"Xes, papunta diyan ang kapatid ko. Pakikuha naman sa kwarto ko ang susi ng BMW. Nasa study table." Her friend - slash- roommate, Marie asked her over the phone. Dinig na dinig niya ang malakas na tugtog ng musika mula sa club and it made her slightly jealous.
"Sure. Teka lang..." Tumayo mula sa pagkakaupo sa sala si Xes at iniwang nakabukas ang laptop.
Heto siya, naka-pajamas at nagmumukmok sa sala kaharap ng laptop, on a friday night. Niyaya naman siya nitong mag-clubbing kaso ayaw niya sa mga ganoong lugar.
"Pasensya na ha, naisturbo ko iyang pagsusulat mo. Eto naman kasi si kuya, walang pasabi na babalik na ng Pinas."
"Okay lang. 'Di ko alam na may kuya ka pala..."
Natawa dito si Marie. "Of course, you wouldn't know. Hindi naman ako pala-kuwento tungkol sa pamilya ko. At kung puwede nga lang sana, ayaw kitang ma-meet ang kuya ko alone."
Napatigil sa paghahanap ng susi si Xes sabay kumunot ang noo sa sinabi ni Marie.
"Hindi pa pala sapat ang isang taon na pagkakaibigan natin para makita ko kahit isa man lang sa myembro ng pamilya mo, ganun?" Puno ng pait na reklamo niya sa kaibigan.
Natawa uli dito si Marie. "Friend naman! Wala kasi akong tiwala sa kapatid kong iyon!"
Napangiti si Xes ng mahanap ang susi sa drawer ng study table. Then the doorbell of their unit rang.
"Basta, be careful when you meet my brother. Actually, iwan mo na lang sa labas ng pinto ang susi. IWAN MO DUN SA LABAS HA?That will be safer for you."
"Kung makapagsalita ka diyan tungkol sa kuya mo, parang kriminal na iyong tao," she chuckled as she walked out of the room.
"Adam and Sex... they are practically synonyms of each other. Kaya pinag-iingatan lang kita..."
Walang atubili na binuksan ni Xes ang pinto ng condo, just in time for Marie's last warning.
"My brother eats women like you for dinner. You should not meet my brother under any circumstances. Do you understand?"
Titig na titig si Xes sa lalaking kaharap. He was tall, brooding in an all black ensemble, and his face was very very attractive. When their eyes met, the corners of his lips quirked up and his eyes gleamed as if he was up for something mischief.
"Xes, do you understand?!" dinig na dinig niya sa tenga ang pag-ulit ni Marie sa sinabi. Pero naagaw na ng kapatid nito ang buong atensyon niya lalo na ng ilahad nito ang kanang kamay. "Bakit hindi ka na sumasagot?! He's not, possibly..."
"I'm Adam Faulkerson, Marie's brother. And you are...?" His smile broadened until a dimple peeked on his left cheek.
"Xes. Xes Mendoza," wala sa sariling tugon niya.
"Oh. My. God. They met. Patrick, I really need to go home! Come on!"
Comments (0)
See all